Mga community pantry sa bansa, welcome kay Pangulong Duterte

Kuha ni Erwin Aguilon/Radyo Inquirer On-Line

Welcome kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nagsulputang community pantry sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Pahayag ito ng Palasyo sa gitna ng red tagging issue sa mga nag-oorganisa ng community pantry.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, tiyakin lamang na nasusunod ang health protocols sa mga community pantry para masiguro na hindi magkakahaawan ng COVID-19.

“Well, nagsalita na po ang.. tayo bilang tagapagsalita ng Presidente na itong mga community pantries exemplify the best of [garbled] at sinusugan din po ni DILG Secretary Año na nagsalita ngayon lamang na sinasabi na wala po siyang kautusan sa kapulisan na manghimasok sa operasyon ng mga community pantries,” pahayag ni Roque.

“So kami po ay ginagalang natin ang bayanihan sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng ating community pantries at ang ating interes lamang ay mapatupad po ang minimum health standards diyan sa mga community pantries na iyan,” dagdag ng kalihim.

Ayon kay Roque, ipinakikita ng taong bayan ang diwa ng bayanihan habang hinaharap ang pandemya sa COVID-19.

“Pero sa panig po ng Presidente, sa panig ng DILG malinaw po – ini-encourage po natin at binibigyang-puri natin ang mga mamamayan natin na sumasapi diyan sa community pantries,” pahayag ni Roque.

Read more...