Sen. de Lima, nagtataka sa hindi pakikipag-usap ni Pangulong Duterte sa U.S. para sa COVID-19 vaccines

contributed photo

Pinuna ni Senator Leila de Lima ang hindi paglapit ni Pangulong Rodrigo sa gobyerno ng Amerika para sa kinakailangang suplay ng COVID-19 vaccines ng mga Filipino.

Nagtataka si de Lima dahil lumalapit si Pangulong Duterte sa mga Pangulo ng China at Russia ngunit hindi kay US President Joe Biden.

“It he can do it with the Chinese or Russian Presidents, why not the US President, the US being a friend and the Filipinos’ most trusted major ally? All it takes is a small ounce of humility and sincerity in seeking succor from the US and other western countries, to augment the still very deficient supply of vaccine coming our way,” puna ni de Lima.

Hiling ng senadora, sana ay isipin ni Pangulong Duterte ang kapakanan ng mga Filipino at hindi ang kanyang personal na hinanakit sa U.S.

Kasabay nito, pinuri ni de Lima ang Filipino – American healthcare group na nagsusumikap na mapabilis ang pagbili ng gobyerno ng 20 milyong Moderna vaccines.

Aniya, kapuri-puri ang U.S. Medicare sa Pilipinas gayundin ang Philippine Medical Association of Metro Washington DC sa pagpapasaklolo kay Pangulong Biden para sa kinakailangang Moderna vaccines.

“The members of these groups may be miles away from us, but they showed that distance can never prevent them from going the extra mile to show concern and love for their countrymen and ensure that their fellow Filipinos’ lives will be protected,” sabi pa ni de Lima.

Read more...