Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, nagsagawa ng imbestigasyon matapos makatanggap ng mga ulat ang intelligence division ng ahensya ukol sa pagtatrabaho ng mga dayuhan nang walang kaukulang permit sa nasabing lugar.
Nakipag-ugnayan aniya sila sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at dito naberipika na hindi lisensyado ang kumpanya at hindi awtorisadong mag-operate.
Sinabi naman ni BI Intelligence Chief Fortunato Manahan, Jr. na nadiskubre ang kumpanya na sangkot sa illegal live studio gambling, kung saan karamihan ng operators at pamunuan nito ay Korean national.
“Apart from the live studio, they were also conducting illegal and clandestine online gaming operations,” pahayag ni Manahan.
Nasa 36 dayuhan ang hinuli na natagpuang sangkot sa naturang trabaho nang walang proper visa at documentation.
“We initially rounded up 40 individuals, but found 4 of them to be sufficiently documented, being permanent residents in the country,” ani Manahan at dagdag nito, “However, the other 36 were unable to present their passports and visas, and were caught in the act of working illegally,” he added.
31 lalaki at limang babae ang naaresto ng BI; dalawang Chinese, dalawang Indonesian at 32 Korean.
Sa ngayon, nakakulong ang mga dayuhan sa Warden Facility ng BI sa Bicutan, Taguig habang hinihintay ang resulta ng RT-PCR testing.
“We call on all foreigners to legalize your stay,” babala ni Morente.
Aniya pa, “Do not take advantage of the pandemic, because despite the challenges, our work never stops, and we will continue to arrest, deport, and blacklist any alien who dare disobey our laws.”