Anim pang overseas Filipinos, pumanaw dahil sa COVID-19

Nasa 19 ang bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang April 20, nasa 18,160 na ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 91 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 5,877 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Nasa 13 naman ang bagong gumaling kung kaya 11,162 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Nasa anim naman ang bagong napaulat na nasawi.

Dahil dito, 1,121 na ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 10,422 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 3,332 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 929 naman ang kaso sa Americas at 3,477 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

Read more...