Ang community pantry ay isa aniyang tradisyunal na gawain sa bansa na bahagi ng ‘Bayanihan culture and spirit’ lalo na sa panahon ng kalamidad.
“As long as the intention is good and without political color, it should be encouraged and supported,” pahayag ng kalihim.
Dagdag pa nito, “Since this is a purely voluntary and private initiative, we should not interefere except to ensure that minimum health standards are complied with.”
Dapat lang aniyang masiguro ng organizers na nakakasunod sa batas at mga lokal na ordinansa lalo na ang mga inilabas na panuntunan para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
“As to the issue of whether organizers should consult with the concerned barangays if such is required,” ani Año.
Maaari aniyang pumunta ang Philippine National Police (PNP) o lokal na opisyal kung may nalabag na anumang batas, o kung may mga reklamo sa komunidad.
Handa naman aniya ang mga local government unit, barangay at PNP na maghatid ng anumang tulong para maging maayos ang pamamahagi sa publiko.