COVID-19 recoveries sa PNP, lagpas 16,600 na

Aabot sa 141 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Lunes ng gabi (April 19), 18,806 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 2,149 ang aktibo pang kaso.

220 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 16,606 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 51 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...