Bilang ng displaced OFWs bunsod ng COVID-19, nasa higit 647,000 – Bello

Photo grab from PCOO Facebook video

Nasa 647,827 ang bilang ng displaced overseas Filipino workers (OFWs) dulot ng COVID-19 pandemic, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III.

Sa pulong kasama si Pangulong Rodrigo Duterte at ilang Cabinet members, Lunes ng gabi (April 19), sinabi ng kalihim na katumbas ito ng 19 porsyento ng kabuuang 3,497,261 documented workers sa ibang bansa.

Sa bilang ng displaced OFWs, 519,566 ang napauwi na sa Pilipinas habang 49,742 ang nakatakda pang i-repatriate.

Nasa 78,519 naman ang piniling manatili sa ibang bansa dahil karamihan aniya rito ay naturukan na ng COVID-19 vaccine kung kaya mataas na ang oportunidad ng re-employment.

Samantala, sa pamamagitan ng AKAP Financial Assistance Program, 343,743 OFWs ang nakatanggap ng tulong pinansiyal sa ilalim ng Bayanihan 1 habang 161,812 OFWs sa ilalim ng Bayanihan 2.

Ayon kay Bello, umabot na sa higit P11 bilyon ang nailabas na pondo para asistihan ang mga displaced OFW.

Read more...