‘Utak’ ng pagtaas ng iaangkat na imported pork products, pinabubunyag ni Sen. Tito Sotto

Nais ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na kilalanin ng Department of Agriculture (DA) ang nakaisip na dapat pang dagdagan ang inaangkat na imported pork products at ibaba ang taripa.

Umaasa ito na sa susunod na pagdinig ng pinamumunuan niyang Committee of the Whole, ibabahagi na ni Agriculture Sec. William Dar ang tao o grupo na nagtulak na ipalabas ni Pangulong Duterte ang Executive Order No. 128.

“I want to know whose bright idea it was to hike the import ceiling and lower import taxes on pork. Sino nag-suggest nito from sa DA? Bakit gusto nilang mag-import tayo beyond what is required and at the same time baba ang tariff? Anong logical explanation dito?” ang tanong ng senador.

Gusto din aniyang maipaliwanag kung makakatulong ang EO 128 sa bansa sa pagsasabing; “Gusto kong sagutin nila ang aking tanong: Ang EO ba na ito ay para sa ikauunlad ng Pilipinas? Ito ba ay makakatulong sa mga Pilipino o sa iilan lamang na mga negosyante at politiko?”

Una na itong nagduda na ang biglaang pagtaas sa pork importation ay may kaugnayan na sa halalan sa susunod na taon.

Duda pa ni Sotto, mali ang mga impormasyon na nakakarating kay Pangulong Duterte.

Read more...