Operating Room Complex ng isang ospital sa Maynila, pansamantalang isinara

GABMMC Facebook photo

Pansamantalang isinara ang Operating Room Complex ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) sa Tondo, Maynila.

Ayon sa Manila Public Information Office, kasama rito ang OR, LR-DR, NICU, High Risk Unit ng nasabing ospital.

Isinara ang Operating Room Complex ng GABMMC simula 8:00, Lunes ng gabi (April 19), hanggang 8:00, Miyerkules ng umaga (April 21).

Layon nitong bigyang daan ang terminal cleaning at disinfection sa OR.

Read more...