Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (April 19), pumalo na sa 945,745 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 141,375 o 14.9 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 9,628 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
96.9 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 1.5 porsyento ang asymptomatic; 0.43 porsyento ang moderate; 0.7 porsyento ang severe habang 0.5 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 88 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 16,048 o 1.70 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 9,266 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 788,322 o 83.4 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.