Ito ay dahil sa pagkakasangkot ni Aliping, William Go, Bernard Capuyan at Romeo Aquino dahil sa illegal na pagpuputol ng puno at pagsira sa kagubatan sa Mt. Sto. Tomas sa Sitio Pongayon, Sto. Tomas, Tuba sa Benguet noong April 2014.
Nahaharap ang apat sa kasong paglabag sa Sections 77 at 78 ng Revised Forestry Code.
Sa inisyal na imbestigasyon, nagsawa si Aliping ng earth moving activities kung saan aabot sa tatlong daang pine trees ang binunot habang aabot sa mahigit 400 pine trees naman ang nasira sa Benguet.
Sa pagtaya ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), aabot sa P10.3 milyon halaga ang naging total damage.
Nabatid na ang Mt. Sto Tomas ay ideneklarang forest reserve at hindi maaring ma-convert sa private property.
Inamin naman ni Aliping na wala siyang permit para sa earth moving activities at walang dokumento para sa ownership ng property.