Sa kanilang list of 20 best foreign retirement havens, inilagay ng Forbes ang Pilipinas sa Rank 17.
Partikular na tinukoy ng Forbes Magazine ang Subic Bay at Tagaytay bilang magagandang lokasyon sa Pilipinas at popular na retirement havens.
Ayon sa Forbes, kaaya-aya para sa mga U.S retirees ang mababang cost of living at ang tropical environment sa Pilipinas, dagdag pa ang kagalingan ng mga Pinoy sa pagsasalita ng English.
Binanggit ang Tagaytay na mayroon umanong bahagyang malamig na panahon, at ang Subic Bay na popular sa lumang U.S Navy base.
Ayon naman kay Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) chairman at administrator Roberto V. Garcia maituturing na ‘very attractive place” para sa mga turista ang Subic dahil sa pagkakaroon ng eco-friendly environment at cost-effective locality.
Maliban sa Pilipinas, napasama sa listahan ng Forbes ang mga bansang Australia, ang Belize sa Central America, Canada, Chile, Colombia, Costa Rica, Croatia, Ecuador, France, Ireland, Italy, Malaysia, Mexico, Nicaragua, Panama, Portugal, Spain, Thailand at Uruguay.
Sa pagpili ng top 20 best foreign retirement havens in 2015, kabilang sa mga ikinunsidera ng Forbes ang mga isyu gaya ng cost of living, cultural attractions and scenery, safety, usapin sa buwis, local hospitality, panahon, pagiging available at pagkakaroon ng sapat na healthcare, at ang pagsasalita ng Ingles ng mga mamamayan.