Pasok sa gov’t offices sa Camarines Sur, suspendido

Sinuspinde ni Camarines Sur Governer Miguel Luis Villafuerte ang pasok sa Provincial Government offices sa araw ng Lunes, April 19.

Bunsod ito ng masamang panahong nararanasan sa probinsya dulot ng Typhoon Bising.

Hindi naman kasama sa suspension ang mga tanggapan na kabilang sa disaster risk reduction and management delivery ng mga pangunahing serbisyo.

Mananatili rin aniya ang operation ng vital services upang matiyak ang patuloy na serbisyo publiko sa naturang probinsya.

Hinikayat din ng gobernador ang mga pribadong kumpanya ngunit mananatili aniya ang desisyon sa kanilang pamunuan.

Lunes ng umaga, ibinahagi ni Villafuerte na hindi maaaring daanan ng mga motorista ang Himagtocon, Lagonoy Spillway.

Photo credit: Governor Migz Villafuerte/Facebook
Read more...