Nadagdagan pa ang bilang ng mga stranded na pasahero sa mga pantalan.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), ito ay bunsod ng Typhoon Bising.
Sa maritime safety advisory hanggang 12:00, Lunes ng tanghali (April 19), stranded ang 2,922 pasahero, truck drivers at cargo helpers sa mga pantalan sa Eastern Visayas, Bicol region, Central Visayas, at North Eastern Mindanao region.
Maliban dito, stranded din ang 70 vessels, at 54 motorbancas.
Patuloy naman ang 24/7 nationwide monitoring ng PCG Operations Center para sa istriktong implementasyon ng guidelines sa galaw ng mga sasakyang-pandagat.
Nakaalerto rin ang Coast Guard Districts, Stations, at Sub-Stations across sa bansa sakaling magkaroon ng emergency situations, katuwang ang Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC).