Higit 68,000 katao, inilikas sa Regions 5 at 8 dahil sa #BisingPH

Inilikas ang mahigit 68,000 pamilya sa Regions 5 at 8 bunsod ng Typhoon Bising.

Sa NDRRMC update bandang 8:00 ng umaga, nasa kabuuang 68,490 katao o 18,467 pamilya ang pansamantalang inilikas.

Nasa 22 barangay ang apektado ng pagbaha habang dalawang road section at isang tulay ang hindi maaaring daanan sa bahagi ng Region 8.

Ayon pa sa NDRRMC, apat na probinsya sa Region 7 at 8 ang nakaranas ng power interruption.

Nasa 17 sea trips naman ang nakansela sa Region 7.

Samantala, 2,213 pasahero, 896 rolling cargoes at 61 vessels ang stranded sa mga pantalan sa Region 5, 7 at 8.

Read more...