Operasyon ng DFA Consular Office sa Tacloban City, sinuspinde dahil sa #BisingPH

Pansamantalang sinuspinde ang operasyon ng Consular Office ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Tacloban City (CO Tacloban).

Sinabi ng kagawaran na epektibo ito sa araw ng Lunes, April 19, 2021.

Paliwanag ng DFA, alinsunod ito sa Executive Order No. 2021-04-17, series of 2021, dahil sa Typhoon Bising.

Inabisuhan naman ang mga aplikante na may confirmed appointments sa naturang petsa na magpa-appoint muli sa pamamagitan ng tacloban.rco@dfa.gov.ph kasama ang mga sumusunod na impormasyon:
– Name
– Date of birth
– Original appointment date and time
– Preferred date and time of new appointment

Ang bagong appointment schedule ay maaaring itapat mula April 21 hanggang May 20, 2021, Lunes hanggang Biyernes tuwing regular operation hours (10:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon).

Para naman sa mga aplikante na may emergency o kailangan ng urgent consular services, maaaring makipag-ugnayan sa CO Tacloban sa pamamagitan ng email: tacloban.rco@dfa.gov.ph.

Magbabalik naman sa normal na operasyon ang CO Tuguegarao sa Martes, April 20, 2021.

Read more...