Nagpatupad ng partial evacuation sa Schiphol airport sa Amsterdam matapos magtaas ng security alert dahil sa isang kahina-hinalang indibidwal.
Dumating sa paliparan ang mga heavily-armed military police at inilikas ang mga nasa airport plaza at lahapit na Sheraton Hotel habang nagsasagawa ng inspeksyon sa bagahe ng lalaking suspek.
Nananatiling nasa mataas na alerto ang Netherlands matpaos an March 22 attack sa Brussels airport.
Ayon kay airport spokesperson Danielle Timmer, inaresto ng mga otoridad ang suspek sa harap ng main entrance ng plaza ng paliparan.
Rumesponde din ang mga tauhan ng bomb disposal squad para suriin ang bagahe ng lalaki.
Sinabi naman ni Military police spokesman Alfred Ellwanger na walang naabalang flight sa nasabing insidente.
Ang Schiphol airport ay isa lamang sa mga pinaka-busy na paliparan sa Europa na mayroong 50 milyong biyahero kada taon.