Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Linggo ng gabi (April 18), 18,669 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
Sa nasabing bilang, 2,228 ang aktibo pang kaso.
188 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 16,390 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.
Wala namang napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.
Bunsod nito. 51 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.
MOST READ
LATEST STORIES