Kaso ng COVID-19 sa mundo, umabot na sa 142.01 milyon

Pumalo na sa 142.01 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 142,017,767 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 32,404,454 cases.

Sumunod na rito ang India na may 15,061,919 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 13,943,071 naman ang kaso sa Brazil habang 5,289,526 ang napaulat na kaso sa France.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 4,702,101
– United Kingdom – 4,387,820
– Turkey – 4,268,447
– Italy – 3,870,131
– Spain – 3,407,283
– Germany –  3,151,030
– Argentina – 2,694,014
– Poland – 2,688,025
– Colombia – 2,652,947
– Mexico – 2,305,602
– Iran – 2,237,089

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 3,033,003 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 120,723,987 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...