Egyptian bombmaker patay sa engkwentro sa Sulu

Patay ang isang Egyptian bombmaker at dalawang miyembro ng Abu Sayyaf group matapos maka-engkwentro ang tropa ng militar sa Sulu.

Ayon kay Lieutenant General Corleto Vinluan Jr., hepe ng Western Mindanao Command, nakilala ang Egyptian na isang Yusop na anak ng isang babae na responsable sa suicide bombing attack sa military detachment sa Indanan, Sulu noong Setyembre 2019.

Nakilala naman ang dalawang napatay na ASG member na sina Abu Khattab Jundullah alyas Saddam at isang Akram.

Ayon kay Vinluan, tumagal ng sampung minuto ang palitan ng putok ng dalawang grupo sa Barangay Ipasan.

Dinala na ang bangkay ng tatlo sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista sa Jolo.

Narekober sa lugar ng engkwentro ang tatlonng matataas na kalibre ng baril gaya ng M653, isang M203 at isang R4, walong long steel magazine, mga bala at iba pang personal na gamit.

 

Read more...