VP Robredo naka-quarantine matapos mag-positibo sa COVID-19 ang close-in security

Kusang nag-quarantine si Vice President Leni Robredo matapos ma-expose sa kanyang close-in security detail na nag-positibo sa COVID-19.

Sa Facebook post ni Robredo, sinabi nito na handa na sana siyang umuwi sa Bicol nang makatanggap ng tawag mula sa contact tracer na positibo ang kanyang close-in security.

Ayon kay Robredo, susunod siya sa health protocols at sasailalim din sa RT-PCR o swab test.

Matatandaan na noong nakaraang taon, nag-quarantine na rin si Robredo matapos ma-expose sa taong nag-positibo sa COVID-19.

 

Read more...