Sa abiso ng PAGASA, alas 6:52 ng umaga, mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang naranasan sa Metro Manila partikular na sa Pateros, Fort Bonifacio sa Taguig, Mandaluyong, San Juan at Balintawak sa Quezon City at sa mga bayan ng Perez, Pagbilao, Lucena at Padre Burgos sa Quezon.
Sa sumunod na mga oras, nakaranas naman ng mahinang pag-ulan ang bahagi ng Batangas, Rizal, Bulacan, at ang iba pang bahagi ng Metro Manila at Quezon Province.
Ayon kay PAGASA forecaster Aldzcar Aurello, passing light rains na namuo sa karagatan ang dahilan ng isolated na pag-ulan sa Metro Manila.
Sa kabila ng pag-ulan na naranasan, sa pagtaya ng PAGASA, magiging mainit pa rin ang panahon ngayong araw.
Posible pa ring umabot sa hanggang 36 Degrees Celsius ang temperatura sa Metro Manila.