Positibo sa red tide ang mga lamang dagat na nakukuha sa ilang baybayin sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Ayon sa ulat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, hindi ligtas kainin ang mga shellfish na nakukuna sa Coastal Waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Tambobo Bay, Siaton sa Negros Oriental; Coastal Waters sa Calubian, Leyte; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; Balite Bay, Mati City sa Davao Oriental; at Lianga Bay at Coastal waters sa Hinatuan, Surigao del Sur.
Ayon sa BFAR, positibo sa paralytic shellfish poison ang mga shellfish sa mga nabanggit na lugar at lagpas sa regulatory limit.
Partikular na ipinagbabawal ng BFAR ang pagkain alamang.
Maari namang kainin ang isda, pusit, hipon, at alimango basta’t siguraduhin lamang na sariwa ang mga ito at lutuing mabuti. Kailangan din na tanggalin ang mga lamang loob at kaliskis.
Ligtas naman sa red tide ang baybaying dagat sa Cancabato Bay sa Tacloban City sa Leyte.