Magnitude 4.5 na lindol, tumama sa Davao Occidental

Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang Davao Occidental, Biyernes ng gabi.

Sinabi ng Phivolcs na namataan ang lindol sa 78 kilometers Southeast ng Sarangani.

Tumama ang lindol bandang 8:17 ng gabi.

May lalim itong 146 kilometers at tectonic ang origin.

Wala namang napaulat na pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...