Typhoon Bising, napanatili ang lakas

DOST PAGASA satellite image

Posible pang lumakas ang Typhooon Bising sa mga susunod na araw, ayon sa PAGASA.

Sinabi ni PAGASA weather specialist Raymond Ordinario na huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 895 kilometers Silangan ng Surigao City, Surigao del Norte dakong 3:00 ng hapon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 130 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 160 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong Kanluran sa bilis na 15 kilometers per hour.

Binabantayan ng weather bureau ang Ridge of a High Pressure Area dahil ayon kay Ordinario, ito ang magdidikta kung paano kikilos ang bagyo.

Dahil sa lawak na kaulapang dala ng bagyo, magdudulot aniya ang extension nito ng maulap na papawirin at kalat-kalat na pag-ulan sa Silangang bahagi ng Visayas at Mindanao, partikular sa Eastern Visayas, Caraga at Davao region.

Magiging aaliwalas naman ang panahon sa natitirang bahagi ng Visayas at Mindanao, ngunit maaring makaranas ng localized thunderstorms lalo na sa hapon o gabi.

Samantala, hindi maaapektuhan ng bagyo ang buong Luzon kung kaya’t mananatili ang mainit at maalinsangang panahon, maliban na lamang sa localized thunderstorms lalo na sa hapon o gabi.

Sa ngayon, wala pa ring nakataas na tropical cyclone storm signal at gale warming sa anumang bahagi ng bansa.

Read more...