Paliwanag nito, layon ng programa na mapaigting ang COVID-19 testing program ng gobyerno at kasabay nito ang pagpapasigla ng ekonomiya.
Aniya, ang programa ay tagumpay na naipapatupad sa Ilocos Norte.
Dagdag paliwanag niya, bibigyan ng dated voucher na maaring ipalit sa anumang produkto at serbisyo at ang magiging kapalit naman nito ay ang pagpapa-swab ng tao.
Sabi ni Marcos, marami ang natatakot na magpa-swab dahil alam nila na kapag nagpositibo ang resulta ay hindi sila makakapag-hanapbuhay at magugutom ang kanilang pamilya.
Binanggit pa niya na aktibo ang pribadong sektor sa voucher donations at dito ay maaring makinabang din sila kung ang kapalit ay kanilang mga produkto o serbisyo.