Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang April 16, nasa 18,134 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 91 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 5,877 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Nasa 100 ang bagong gumaling kung kaya 11,142 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Dalawa naman ang bagong napaulat na nasawi.
Dahil dito, 1,115 na ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 10,421 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 3,332 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 919 naman ang kaso sa Americas at 3,462 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.