12 sugatan sa salpukan ng dalawang sasakyan sa Pasay City

Diokno Cor SeasideSugatan ang 12 katao sa aksidenteng naganap sa Pasay City kaninang (Miyerkules) umaga.

Sangkot sa aksidente ang isang Mitsubishi Adventure at isang L300 van na naganap sa panulukan ng Diokno at Seaside Boulevard sa bahagi ng Mall of Asia sa Pasay City.

Ayon kay SPO2 Ricky Murillo ng Pasay City Police Traffic Bureau, isinugod na sa pagamutan ang mga biktima.

Naganap ang aksidente kaninang pasado alas 5:00 ng umaga sa nasabing intersection.

Galing umano sa southward ng Diokno Boulevard ang Adventure nang makasalpukan nito ang L300 na galing naman sa Eastward Direction ng Seaside Boulevard.

Inaalam pa ni Murillo ang sanhi ng aksidente, pero maaring isa umano sa dalawang sasakyan ang hindi sumunod sa traffic lights, dahil nangyari ang aksidente sa mismong intersection ng Diokno at Seaside.

 

 

Read more...