MMDA enforcer sugatan matapos masagasaan ng kotse sa Pasay City

Domestic Rd PasayNasugatan ang isang traffic enforcer matapos masagi ng isang kotse sa harapan ng terminal 4 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Domestic Road sa Pasay City.

Ayon kay Vincent Lizada ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Metrobase, ang MMDA enforcer na si Franklin Ignalig ay isinugod na sa pagamutan.

Isang babae aniya ang driver ng Honda City na may plate number na UBE 996 na nakasagi kaky Ignalig.

Ayon kay Lizada, naging ‘hysterical’ pa ang driver ng kotse at sinisisi pa si Ignalig kaya niya ito nasagi.

Sa huli, napapayag din ang babaeng driver na magpadala sa traffic bureau ng Pasay City Police.

Ang nasabing aksidente ay personal namang nasaksihan ni Alliance of Concerned Teachers (ACT) Party List Rep. Antonio Tinio.

Sa kaniyang tweet, sinabi ni Tinio na nakatayo ang MMDA enforcer nang hindi huminto ang kotse at nasagaasan nito ang enforcer.

Inilarawan din ni Tinio ang driver ng kotse na isang babae at naka-uniporme nang Cebu Pacific. “I just saw someone deliberately run over a MMDA traffic enforcer in front of NAIA T4. The MMDA enforcer was standing in front of the car, the driver refused to stop, knocked the guy down and rolled over him. MMDA guy was able to get out from under the car, briefly tussled with the driver, a woman in a Cebu Pacific uniform, who seemed defiant,” ayon sa tweet ni Tinio.

 

 

 

Read more...