Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Biyernes (April 16), pumalo na sa 914,971 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 193,476 o 21.1 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 10,726 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
96.0 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 2.9 porsyento ang asymptomatic; 0.30 porsyento ang moderate; 0.5 porsyento ang severe habang 0.4 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 145 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 15,738 o 1.72 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 650 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 705,757 o 77.1 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.