LOOK: Weekend road repair schedule ng DPWH

Magkakasa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng road reblocking and repair sa weekend.

Apektado nito ang mga sumusunod na kalsada:
– EDSA Quezon City (Northbound), mula Dario Bridge hanggang Landers Superstroe, unang lane mula sa sidewalk
– Tandang Sora Avenue sa Quezon City, mula Banlat Bridge hanggang Constantino Extension

Sisimulan ang pagsasaayos bandang 12:00, Sabado ng hatinggabi, April 17.

Maaari nang daanan ang mga motorista sa nabanggit na kalsada sa dakong 5:00, Lunes ng madaling-araw, April 19.

Inabisuhan naman ang mga motorista na iwasan muna ang nasabing kalsada at dumaan sa alternatibong ruta.

Read more...