Sakay ang kontrabando ng MB Princess Amina sa dapat na sakop ng Barangay Sinunuc.
Nakatanggap ng impormasyon ang BOC na may dala umanong smuggled na sigarolyo ang naturang barko na nagmula sa Jolo, Sulu kung kaya’t ikinasa ang operasyon.
Dahil dito, nagkasa ng anti-smuggling operation ang BOC – Port of Zamboanga, Customs Intelligence and Investigation Services (CIIS), at Enforcement and Security Service- Customs Police Division (ESS-CPD), katuwang ang Naval Forces Western Mindanao (NFWM) at Naval Intelligence and Security Group-Western Mindanao (NISG-WM).
Nagresulta ito sa pagkakasabat ng undocumented cigarettes.
Tinatayang aabot ng P10.6 milyon ang halaga ng mga nakumpiskang kontrabando.
Nai-turnover ang mga smuggled na sigarilyo sa BOC para sa beripikasyon ng dami at halaga ng nakuhang kontrabando.