Ito ang sinabi ng isang opisyal ng Department of Transportation and Communications (DOTC) matapos makaranas ng mahigit limang oras na brownout ang NAIA terminal 3 noong April 2, 2016.
Sakop ng ISO certification ang passenger facilitation process kasama na ang public convenience.
Nakapaloob din sa certification na dapat ipatupad ang maayos na quality management system pati na ang maintenance ng facilities.
Nabatid na noong 2010 lamang nakakuha ng ISO certification ang NAIA terminal 3.
Una nang sinabi ni Manila International Airport Authority General Manager Angel Honrado na hindi naging maayos ang maintenance sa generator set sa NAIA 3.
Ito aniya ang dahilan kaya nang makaranas ng brownout sa lugar ay hindi agad naibalik ang suplay ng kuryente sa paliparan.
Ang nasabing brownout sa terminal 3 ay nagdulot ng pagkansela sa halos isandaang flights at nakaapekto ng libu-libong pasahero.