P8.6-M halaga ng marijuana, sinira sa Kalinga

Winasak ng mga awtoridad ang higit P8.6 milyong halaga ng marijuana sa apat na plantation site sa Kalinga.

Kabilang sa mga sinira ang nakumpiskang 43,000 fully grown marijuana plants at 400 gramo ng cannabis products.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Debold Sinas, ikinasa ang tatlong araw na marijuana eradication operation sa bahagi ng Barangay Ngibat sa Tinglayan mula April 12 hanggang 14, 2021.

Batay sa mga ulat, nakuha ang 5,000 fully grown marijuana plants na may estimated standard drug price na P1 milyon at 400 gramo ng marijuana dried leaves na nagkakahalaga ng P48,000 sa unang site; P2 milyong halaga ng 10,000 marijuana plants naman sa ikalawang site; 8,000 marijuana plants na nagkakahalaga ng P1.6 milyon sa ikatlong site; habang 20,000 marijuana plants na aabot sa P4 milyon ang halaga sa ikaapat na site.

Sinunog ang mga nakumpiskang marijuana plants bandang 4:00, Miyerkules ng hapon.

Read more...