Karagdagang foreign nationals ang pinapayagan na ng pamahalaan na makapasok sa bansa hanggang sa Abril 30.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, base sa resolusyon na inaprubahan ng Inter-Agency Task Force, maaring pumasok sa bansa ang mga dayuhan na mayroong valid entry exemption documents na inisyu ng Department of Foreign Affairs (DFA) bago ang Marso 22.
Una rito, exempted sa travel ban ang mga diplomat at miyembro ng international organization at kanilang mga dependent, mga foreign national na nangangailangan ng medical repatriation, seafarers na nasa Green Lane program.
Matatandang hinigpitan ng Pilipinas ang pagpapasok sa bansa sa mga dayuhan dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.
MOST READ
LATEST STORIES