Dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada, ibinalik sa ICU

Ibinalik sa intensive care unit (ICU) si dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada.

“We wish to announce that my father had a slight set back last night as his doctors found a super imposed bacterial lung infection,” pahayag ng kanyang anak na si dating Senador Jinggoy Estrada.

Sinabi ng nakababatang Estrada na ibinalik sa regular ICU (non-COVID) ang dating Pangulo para sa monitoring at upang masuportahan ang kaniyang blood pressure.

“He has been brought back to the regular ICU (non covid) for monitoring and support of his blood pressure which fluctuated due to the said infection,” saad nito sa kaniyang Facebook post.

Stable naman aniya ang dating Pangulo na may high flow oxygen support.

Muling humiling ang dating senador ng panalangin para sa agarang paggaling ng dating Pangulo at ng mga pasyenteng apektado ng COVID-19.

Read more...