DepEd, ikinalugod ang pagbibigay prayoridad sa basic education frontliners sa COVID-19 vaccination sa bansa

DepEd Facebook photo

Ikinalugod ng Department of Education (DepEd) ang pag-apruba ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) sa panawagan ni Secretary Leonor Briones na isama ang basic education frontliners sa A4 priority category ng COVID-19 vaccination program sa bansa.

Nauna nang inihayag ng Pangulo na ang pagbabakuna ang isa sa mahahalagang hakbang upang maibalik ang face-to-face classes sa mga paaralan.

Kasunod ng pagsasaayos ng vaccine prioritization (mula B1 hanggang A4) para sa basic education frontliners, mapabibilis ng DepEd ang pagbibigay ng bakuna sa mga guro at non-teaching personnel.

Nangako naman ang kagawaran na patuloy nilang poprotektahan ang kalusugan at kaligtasan ng mga guro, mag-aaral at non-teaching personnel.

Dagdag ng DepEd, uunahin nila ang kapakanan ng mga nabanggit sa gitna ng nararanasang pandemya.

Read more...