Nakaparadang jeep, nasunog sa Maynila

Pandacan ManilaNasunog ang isang nakaparadang pampasaherong jeep sa Pandacan, Maynila kaninang madaling araw.

Ayon sa mga rumespondeng tauhan ng barangay, nakaparada lamang ang jeep na may plate number na DKV 176 at biyaheng Taft – Leon Guinto nang ito ay biglang magliyab.

Nadamay sa sunog ang kalapit na bahay na gawa sa light materials.

Tumulong sa pag-apula ng apoy ang mga residente sa Barangay 841, Zone 92 gamit ang mga hose at timba sa kanilang bahay.

Wala namang nasaktan sa nasabing sunog na tumagal ng 30-minuto.

Hindi na nagkaroon ng alarma sa nasabing sunog na naapula alas 3:40 ng madaling araw.

Ayon kay Inspector JL Aaron Caro ng Bureau of Fire Protection Pandacan Sub-station, inaalam pa nila kung anong dahilan ng pagliliyab ng jeep.

Tinatayang P10,000 ang halaga ng natupok ng apoy.

 

Read more...