Shipping ops sa Matnog Port, suspendido hanggang April 20

Pansamantalang sinuspinde ang shipping operations sa Matnog Port sa Sorsogon patungo sa Visayas at Mindanao.

Sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) na ito ay bunsod ng Bagyong Bising.

Epektibo ang suspensyon ng nasabing operasyon simula 12:00, Biyernes ng tanghali (April 16), hanggang sa Martes (April 20).

Ayon kay PCG spokesperson Commodore Armando Balilo, inabisuhan ang lahat ng trucking/logistics company at buses na ipagpaliban ang kanilang biyahe.

Paliwanag nito, ito ay upang maiwasan ang mahabang pila sa nasabing pantalan bilang precautionary measure sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Read more...