DepEd, pinagbilinan ni Sen. Gatchalian na ihanda ang mga paaralan sa pagbabalik ng face-to-face classes

Sinabi ni Senator Sherwin Gatchalian na sa ngayong wala pang ‘face-to-face classes’ dahil sa pandemya, makakabuti na rin sa Department of Education o DepEd na ihanda ang mga paaralan.

Ayon sa senador, ilan lang sa maari nang gawin ng kagawaran ay tiyakin na may hygiene facilities ang mga paaralan, tulad ng handwashing area at alcohol.

Aniya, sumulat na rin siya sa National Task Force on COVID-19 na iangat sa priority list ng mga dapat bakunahan ang mga guro at ilagay sila sa A4 category kasama ang ‘essential workers.’

Diin ni Gatchalian, mawawala ang takot ng mga magulang na mahawa sila ng sakit kung babalik na sila sa paaralan dahil nabakunahan na ang mga guro.

Inamin naman ng senador na nakakagulat ang maaring magawa ng 2019 Coronavirus dahil aniya, noong unang linggo ng Marso, 455 bayan sa bansa ang walang kaso ng COVID-19 ngunit ngayon ay 152 na lang.

“We can see that COVID is quite unpredictable and because of migration, movement and because of commerce, people are coming and going and with that the virus is being transmitted in the various parts of the country,” banggit nito.

Ngunit diin niya, maganda na sa panahon na naabot na ang ‘herd immunity’ at lalaki ang posibilidad nang pagbubukas muli ng klase ay nakahanda na ang mga paaralan.

Read more...