Base sa inihaing House Resolution 1711 nina House Speaker Lord Allan Velasco at Deputy Speaker Bernadette Herrera, pinakikilos nila ang House Commitee on Good Government and Public Accountibility para magsagawa ng imbestigasyon “in aid of legislation.”
Nakasaad sa resolusyon na may mga polisiya at panuntunan ang DOH at FDA na lumalabas na hindi para sa kapakanan ng publiko.
Tinukoy ng mga ito ang FDA circular at iba pang guidelines na kinukuwestyon dahil nakakaapekto o nakakaantala raw sa approval at clearance sa ilang mga gamot para sa emergency use authorization o EUA o compassionate special permit sa kasagsagan ng pandemya.
Pinaalalahanan din nina Velasco at Herrera ang FDA at DOH na mandato ng estado sa ilalim ng 1987 Constitution na protektahan at isulong ang karapatan ng mga mamamayan sa kalusugan.