India, nakapagtala ng higit 200,000 COVID-19 sa nakalipas na 24 oras

Reuters photo

Lagpas sa 200,000 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa India.

Sa datos ng health ministry ng nasabing bansa, nasa kabuuang 200,739 kaso ng nakakahawang sakit ang naitala sa nakalipas na 24 oras.

Dahil dito, sumampa na sa mahigit 14.1 milyon ang COVID-19 cases sa India.

Nasa 1,038 naman ang bagong nasawi, kung kaya’t umakyat na sa 173,123 ang COVID-19 related deaths sa nasabing bansa.

Pangalawa ang India sa mga bansang may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19.

Read more...