Roque, lalabas na ng ospital

Photo grab from PCOO Facebook video

Lalabas na ng ospital si Presidential Spokesman Harry Roque ngayong araw, Abril 15.

Ito ay matapos ang anim na araw na pananatili ni Roque sa Philippine General Hospital dahil nagpositibong muli sa COVID-19.

Ayon kay Roque, ang press briefing, Huwebes ng umaga, ang huling briefing niya mula sa PGH.

Kasabay nito, pinasalamatan ni Roque ang kanyang mga doktor at nurse na nag-alaga sa kanya.

Matatandaang umani ng batikos si Roque dahil sa mabilis na pagkaka-admit sa PGH gayung maraming pasyente na ang namatay at hindi maipasok sa ospital dahil sa dami ng mga nagpositibo sa COVID-19.

Read more...