Pangulong Duterte, may public address mamayang gabi, April 15

PCOO photo

Magsasagawa si Pangulong Rodrigo Duterte ng “Talk to the People” Huwebes ng gabi, Abril 15.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque.

Ayon kay Roque, iaanunsyo ng Pangulo ang bunga ng kanilang pag-uusap sa telepono ni Russian President Vladimir Putin.

Abril 13 nang mag-usap ang dalawang lider.

Sa naturang pagpupulong, bumili ang Pilipinas ng 20 milyong doses ng bakuna kontra COVID-19 na Sputnik V na gawa sa Russia.

Napagkasunduan nina Pangulong Duterte at Putin na magkatuwang na tutugunan ang problema sa pandemya sa COVID-19.

Read more...