Kaya naman, naniniwala si dating Health Secretary at Iloilo Rep. Janette Garin na mas mabuting parehong brands na lang ng bakuna ang gamitin sa una at ikalawang doses.
Reaksyon ito ng kongresista sa pahayag ng mga vaccine expert sa Pilipinas na pinag-aaralan nito ang posibiidad na paghaluin ang pagtuturok ng magkaibang brands ng bakuna dahil sa limitadong suplay.
Ayon kay Vaccine Expert Panel chairperson Dr. Niña Gloriani, wala namang isyu para gawin ito bagama’t kailangan ng guidelines.
Pero para kay Garin, mas mainam na mag-stick na lang sa parehong brand sa pagbabakuna.
Sa panig naman ng Department of Health (DOH), pinag-aaralan pa anila ng mga eksperto ang tungkol sa bagay na ito at nananatili ang posisyon ng DOH at FDA na dapat parehong brand ang gamitin sa first at second dose ng pagbabakuna.