Naitalang kaso ng COVID-19 sa hanay ng PNP, lagpas 18,000 na

Aabot sa 162 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Huwebes ng gabi (April 15), 18,073 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 2,472 ang aktibo pang kaso.

171 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 15,554 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 47 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...