SK President ng Lumban, Laguna patay sa pamamaril sa loob ng bahay

Dead on the spot ang SK Federation President ng Lumban, Laguna makaraang pagbabarilin sa Barangay Maytalang 1 ng nasabing bayan.

Nakilala ang nasawi na si Renzo Matienzo, 26 anyos at residente ng Cosme Street.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na pinasok ng nag-iisanag suspek ang bahay ng biktima saka ito pinaulanana ng bala.

Nagtamo ito ng mga tama ng bala ng baril sa kanyang ulo at katawan na naging dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.

Agad naman tumakas ang salarin, na armado ng kalibre .45 na baril, na ayon sa mga testigo ay naka-suot ng bonnet at mask.

Inaalam pa rin ng pulisya ang motibo sa krimen.

Kinondena naman na ng iba pang samahan ng mga kabataan sa lalawigan ang krimen, gayundin ng mga progresibong grupo.

Read more...