Global death toll bunsod ng COVID-19, higit 2.98 milyon na

Lagpas 2.98 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 2,985,685 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 578,092.

Sumunod na rito ang Brazil na may 362,180 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 210,812 naman ang death toll sa Mexico habang 173,152 ang napaulat na nasawi sa India.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 127,161
– Italy – 115,557
– Russia – 104,000
– France – 99,777
– Germany – 79,813
– Spain – 76,756
– Colombia – 66,819
– Iran – 65,359

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 138,848,897 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 111,635,736 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...