Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Philippine Coast Guard laban sa isa nilang tauhan na sangkot sa investment scam.
Ayon kay Coast Guard Spokesperson Commodore Armand Balilo, ipinag-utos na ni PCG Commandant Admiral George Ursabia na bilisan ang proseso ng imbestigasyon upang mapanagot ang sangkot nilang tauhan.
Sinabi ni Balilo na inalis na sa puwesto ang nasabing enlisted personnel habang gumugulong ang imbestigasyon.
Mayroon anya silang anim na complainant at ang testimonya ng mga ito ang gagamiting ebidensya sa kaso.
“We call on our fellow Coast Guard officers and personnel to exercise prudence and integrity in all of their actions. Admiral Ursabia remains firm on his campaign to uphold the moral standards of Coast Guard men and women by modeling the ideals of genuine PCG: patriotism, compassion, and fear of God. While we perform necessary legal measures to counter unlawful activities within the organization, we also need the cooperation of our people to shun pyramiding schemes and other illegal ventures, not only to protect themselves, but more importantly, to preserve the public image of the humanitarian armed service they are part of,” saad ni Balilo.
Sinasabing kasama ng coast guard personnel sa investment scam ang kanyang civilian partner kung saan nabiktima ang ilang mga miyembro ng PCG Task Force Bayanihan Returning Overseas Filipinos (BROF).