Pangulong Duterte pinakikilos na laban sa ginagawang panghihimasok ng China

Hindi sapat ang paghahain ng bansa ng diplomatic protest laban sa China kaugnay sa ginagawa nito sa teritoryo ng Pilipinas.

Ayon kay House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, dapat basagin na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang katahimikan nito at pangunahan ang pagkilos laban sa mga agresibong aksyon ng China.

Malinaw anya na hindi naman pinapansin ng China ang mga protest ng Pilipinas at iginigiit pa na pag-aari nila ang Julian Felipe  Reef.

Dagdag ng mambabatas, patuloy lamang na magbibingi-bingihan ang China sa diplomatic protests kaya ang dapat na mangyari, mismong si Presidente Duterte ang kumondena sa mga ginagawa ng China.

Maari naman anyang lumapit si Pangulong Duterte sa UNCLOS at iba pang treaty bodies para humingi ng hustisya mula sa mga pang-aabuso ng China.

Read more...